12 sugatan sa banggaan ng truck at shuttle service

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1883

BANGGAAN
Isinugod sa ospital ang mga pasahero ng isang service van dahil sa tinamo nitong minor injuries.

Pauwi na sana ang mga call center agents nang banggain ng isang 18 wheeled truck sa panulukan ng C5 at Ortigas Avenue, Pasig City pasado alas once kagabi.

Nayupi at nabasag ang salamin sa likurang bahagi ng van.

Ayon sa driver ng truck na si Romel Compuesto, biglang nawalan ng preno ang minamaneho nitong truck.

Magdedeliver sana ito ng mga kemikal sa paggawa ng sabon ng nangyari ang aksidente.

Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries.

Nangako naman aniya ang kaniyang amo na sasagutin nito ang gastusin sa ospital ng mga biktima.

Nagdulot naman ng bahagyang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa lugar ng aksidente.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga motorista na pagibayuhin ang pagiingat upang makaiwas sa disgrasya sa kalsada.

(Jerico Albano/UNTV NEWS)

Tags: , ,