12 indibidwal arestado, matapos makitaang nangunguha ng lahar materials na walang permiso

by Erika Endraca | November 24, 2020 (Tuesday) | 2830

Nahaharap ngayon sa kasong Illegal Quarrying ang 12 indibiduwal na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahuling nangunguha ng lahar materials sa Mabalacat, Pampangga.

Sa pahayag ni NBI OIC-Director Eric B. Distor, nakatanggap umano ang NBI-Environmental Crime Division (ng NBI_EnCD) ng isang intelligence report patungkol sa nangyayaring illegal quarrying operation na walang mga kaukulang permit mula sa mga otoridad sa Mabalacat City.

Sa isang surveillance operation na isinagawa ng NBI_EnCD sa Brgy. Sapang Balen, napatunayang at nasaksihan ng mga otoridad ang walang tigil na pagkuha ng mga lahar materials sa naturang lugar.

Ayon sa Departmet of Environment and Natural Resources (DENR) – Mines and Geosciences Bureau 3, Environmental Management Bureau 3, at Provincial Environment and Natural Resources Office – Pampanga ay hindi otorisado at walang permit ang Guillermo Gamez Quarry galing sa mga nasabing ahensya para magoperate ang nasabing kumpanya.

Kinilala ang mga naaresto na sina John Patrick Reyes y Aguilar, Jhun Murillo y Lopez, Francis Pangilinan y Benjamin, John Michael Malias y Supal, Egilberto San Pascual y Cajes, Ronald Linsangan y Melo Santos, Edcel Ruiz y Nicdao, Vincent Canlas y Cuenca, Aldrin Anson y Gonzales, Jomar Nazar y Guira, Christopher Moreno y Guira, at Joel Ong y Porol na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 103 (theft of minerals ng R.A. 7942 o ang Philippine Mining ACt of 1995.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: ,