Naiulat na 4 na Pilipinong dinukot ng ISIS, walang katotohanan ayon sa Malacanang

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 2703

jerico_lacierda
Pinabulaanan ng Malacañang ang napaulat na mayroong apat na Pilipinong dinukot ng mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Syria.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ito ay base na rin sa impormasyong ibinigay ni Philippine Ambassador to Syria na Nestor Padalhin.

Ayon kay Padalhin, mayroon lamang mga Pilinong dinakip dahil sa expired permits na sa kasalukyan ay patuloy nang tinutulungan ng embahada at legal counsel.

“According to Ambassador Nestor Padalhin our Charge D Affairs in Syria report of ISIS abduction not true there are Filipinos apprehended because of expired Iqamas(permits), Embassy and Legal Counsel assisting them to sort out the matter.” pahayag ni Lacierda.

(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,