Presidential aspirant Mayor Rodrigo Duterte, nag-withdraw na ng kaniyang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng Davao

by Radyo La Verdad | November 27, 2015 (Friday) | 1135

duterte
Nagtungo ngayong tanghali si presidential aspirant Rodrigo Duterte sa Davao city Comelec regional office, upang i-withdraw ang kaniyang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng Davao.

Kasama ni Duterte ang kaniyang anak na si Sara, na sinasabing magiging kapalit niya sa pagtakbo bilang alkalde.

Nito lamang linggo, ng pinal na magdesisyon si Duterte na tumakbo sa pagkapangulo.

Ayon kay Duterte, isa sa mga nagtulak sa kanya upang tumakbo bilang pangulo ay ang inilabas na desisyon ng Senate Electoral Tribunal na pumabor sa kampo ni Senator Grace Poe kaugnay sa disqualification case na isinampa ni Rizalito David.

Samantala, inihain na ni Atty. Salvador Medialdea ang certificate of candidacy ni Mayor Duterte sa pagkapangulo sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.
(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: ,