
Ipinasya ng National Water Resources Board na dagdagan ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.
Ayon sa NWRB, ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level sa Angat dam.
Mula sa 38 cubic meters per second gagawin na itong 40 cubic meters per second.
Sa ngayon nasa 208 meters na ang walter level sa Angat dam na siyang nagsu-supply ng tubig sa buong Metro Manila.
Hindi na rin muna magpapatupad ng water interruption ang Manila water at Maynilad at magbabawas lamang ng water pressure sa gabi o sa mga oras na manipis ang demand sa tubig .
Samantala, 25 centimeters naman ang ire-release na tubig ng nwrb para sa irigasyon ng sampung libong ektaryang sakahan sa Bulacan at Pampanga.
Tags: Metro Manila, tubig, water concessionaires, water interruption
METRO MANILA – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na mananatili sa P1,000 ang babayarang multa para sa illegal parking ng mga mahuhuling motorista.
Ipinatigil na muna ni PBBM ang probisyon ng joint traffic circular ng Metro Manila Council na itaas ang multa para sa illegal parking mula P1,000 hanggang P4,000.
Naniniwala naman ang pangulo na madadaan pa sa disiplina ang mga motorista at magkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa kinakaharap na problema sa trapiko sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila.
Tags: illegal parking, Metro Manila, traffic
METRO MANILA – Inaasahan ang pagtataas sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga minimum wage earner sa Caraga region matapos aprubahan ng kani-kanilang wage boards ang wage increase.
Sa isang pahayag, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na isinumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga at NCR noong December 13, 2023.
Sa inilabas na Moto Propio Wage Order ng Caraga RTWPB, noong December 5, madaragdagan ang daily minimum wage ng P20 sa lahat ng sector mula January 1, 2024.
Habang magkakaroon pa ng additional P15 sa second tranche sa May 1, 2024.
Samantala naglabas din ng Moto Propio ang RTWPB ng NCR noong Decembr 12, kung saan nakasaad na madadagdagan ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Dagdag pa ng DOLE, na ang wage orders ng RTWPB ng Caraga ay inilathala nitong December 16 at magiging epektibo 15 days mula sa publication nito
Habang ngayong December 18, 2023 naman ilalathala ang wage order para sa mga kasambahay sa NCR.
Tags: CARAGA Region, Metro Manila, minimum wage
METRO MANILA – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, Navotas, Valenzuela at Quezon City mula ngayong araw ng Lunes, May 22 hanggang Sabado, May 27.
Batay sa anunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. ito ay dahil sa isasagawang maintenance sa west zone.
Magsisimulang mawala ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Alas-11 rin ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Navotas City.
Sa lungsod ng Maynila naman ay mawawalan ng tubig ang ilang lugar mula alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw.
Sa Valenzuela City, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga mawawalan ng suplay sa ilang apektadong site.
Habang sa ilang lugar sa Quezon City ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga. At mayroon ding mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Payo ng Maynilad sa mga apektadong customer, mag-imbak ng sapat na tubig para sa kabuoan ng water service interruption.
Nakahanda na rin ang mga water tanker upang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.
Tags: Maynilad, water interruption