Komite na reresolba sa problema ng air traffic congestion sa NAIA, bubuuin ng DOTC

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 1752

FLIGHTS
40 lamang ang flight kada oras sa NAIA upang makaiwas sa mahabang delay ng byahe ang mga pasahero

Subalit, lumalabas sa data na ipinakita ng Manila Control Tower na mayroong mga pagkakataon na umaabot hanggang 51 flight sa NAIA.

Ayon sa Manila Control Tower, delikado ito at maaaring maging sanhi ng aksidente

Sa isinagawang pagdinig ng Transportation Committee sa Kongreso, natukoy na ang problema ay nagsisimula sa pag i-iskedyul ng mga airline company sa mga flight.

Ito ay marketing strategy ng mga airline company upang makabenta ng mas maraming ticket sa mga pasahero.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines at Civil Aeronautics Board na matagal na itong problema subalit wala itong kontrol sa skedyul ng mga flight.

Kaya naman ipinanukala sa DOTC na bumuo ng isang komite na reresolba sa problema ng air traffic congestion.

Ayon naman sa mga mambabatas mahalaga na makiaalam na ang DOTC bago lumala ang problema

Bukod dito, ipinanukala rin na gamitin ang Clark Airport sa Pampanga upang ma-decongest ang NAIA.

Ang problema nga lang ay kailangan pang kumbinsihin ang mga airlines na lumipat sa Clark.

Inirereklamo rin ng ilang airline companies na medyo kulang pa sa mga infrastructure ang Clark Airport upang matugunan ang mga pangangailangan nito at mga pasahero.

Naghahanda na rin ang Manila International Airport sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA ngayong holiday season.

Noong nakaraang taon mahigit sampung libong pasahero ang na abala dahil sa delayed na flight ng Cebu Pacific.

Kinausap na ng CAB at MIAA ang mga airline company upang hindi na maulit ang nangyari ng nakaraang taon. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,