AFP, hindi tumigil sa pagpapatrolya sa West Phil Sea sa kabila na abala sa APEC Summit 2015

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 1519

RSTITUTO-PADILLA
Pinabulaanan ni AFP Spokesperson Col. Restituto Padilla Jr. ang ulat na ipinag-utos umano ng Malakanyang sa Armed Forces of the Philippines na alisin muna ang mga military asset nito na ginagamit sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ito ang kanilang reaksiyon sa lumabas na ulat na ilang araw na tumigil ang Chinese vessel na malapit sa Pagasa Island.

Nabanggit din ni Col. Padilla na maraming barko ang karaniwan nang naglalayag sa lugar dahil sa pandaigdigang kalakalan at pagiging malapit nito sa commercial shipping lanes.

Wala ring namonitor ang AFP na warships na pumapasok sa territorial waters ng bansa o lumalabag sa inilagay na “no sail zone” ng bansa

Ani Col. Padilla, karapatang maglayag ng mga sasakyang pandagat ng ibang bansa sa itinuturing na international waters at passage ways.

Tags: , ,