100,000 trabaho ang nakatakdang buksan ngayon sa aviation industry bunga ng nakatakdang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) integration.
Layunin ng naturang integration ang pagpapaluwag sa mga patakaran partikular sa larangan ng ekonomiya at sektor ng kalakalan sa pagitan ng 10 member-state ng ASEAN kasama na rito ang Pilipinas.
Bunsod nito, magiging pangunahing kailangan ngayon ay ang mga piloto at aircraft technicians dahil sa inaasahang paglago ng tourism industry sa bansa.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Rodante Joya, mangangailangan rin ng madaming concessionaires dahil na rin sa pagdami ng mga biyahe.
Batay sa datos ng World Travel and Tourism Council (WTTC), patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga turista sa ASEAN Region.
Tags: ASEAN integration, aviation industry, Civil Aviation Authority of the Philippines, World Travel and Tourism Council
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com