CAAP, nagbigay ng mga mungkahi kung paano masosolusyunan ang problema kaugnay sa mga nadedelay na flight sa NAIA

by Radyo La Verdad | August 18, 2015 (Tuesday) | 2842

NAIA
Target ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na madagdan pa ang bilang ng eroplanong umaalis at dumarating sa NAIA.

Sa kasalukuyan sa datos ng CAAP 40 aircraft movement per hour ang bilang ng mga eroplanong umaalis at dumarating sa NAIA.

Nais ng CAAP na itaas pa ito sa 50 hanggang 60 upang mabasawan ang mga delayed flight.

Ayon kay CAAP Dept. Dir. Rodante Hoya na magagawa ito kung makikipagtulungan ang mga airline company.

Sinabi ni Hoya na isa sa mga nagiging problema ay hindi sumusunod sa takeoff and landing schedule ang ilang airline company.

Kadalasan ay pinipilit nilang payagan silang magtake off kahit na hindi pa naka- schedule.

Ayon kay Hoya kung masusunod lamang ang take off at landing schedule ng lahat ng mga eroplano sa NAIA mas magiging mabilis ang alis at dating ng mga eroplano.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation pinuri ni Rep. Cesar Sarmiento ang CAAP sa anyaý improvement na nagawa sa mga paliparan mula nang mag-inspeksyon doon ang komite.

Samanatala pinayuhan naman ng MIAA ang mga pasahero na mas agahan pa ang pagbyahe papuntang airport dahil sa tumitinding bigat ng ng trapiko lalo na tuwing araw ng Biyernes at Linggo. ( Grace Casin / UNTV News)

Tags: ,