10% increase sa pensyon ng mga empleyado ng pamahalaan, inaprubahan ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 1496

File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang 10 percent across-the-board increase sa employees compensation pension ng mga nasa pampublikong sektor.

Ito ay batay na rin sa inilabas na Executive Order number 188 ng malakanyan ngayong araw.

Batay sa naging pagaaral, kayang i-finance ng Government Insurance System o GSIS ang dagdag sa E-cCpension na hindi kinakailangang dagdagan naman ang kinukuhang kontribusyon sa mga kawani ng pamahalaan.

Sa ilalim ng inilabas na E-O, May 1, 2015 magiging epektibo na ang naturang pagtataas sa compensation pension.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: ,