Dalawa na ang kumpirmadong patay sa estado ng Oregon, dahil sa patuloy na malakas na bagyo mula pa nitong weekend.
Ayon sa Oregon Fire and Rescue Department ang unang namatay ay isang babaeng matapos mabagsakan ng puno ang kanyang bahay habang ito ay natutulog habang ang pangalawa naman ay nalunod matapos hindi makalabas ng sasakyan na dinala ng rumaragasang baha.
Nagdeklara naman ng state of emergency ang gobernardor ng Oregon dahil sa record flood na nararanasan dito at ng karatig na estadong Washington.
Ang bagyo ay nagdulot din ng pagkawala ng kuryente sa nasa 63, 000 tahanan sa Portland at Seattle.
Lubog rin sa tubig baha na may kasamang putik ang malaking bahagi ng estado.
Tatlong araw na ring kanselado ang pasok sa mga paaralan.
Nagdulot din ng landslide at pagbubukas ng mga sinkhole ang matinding pag ulan.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagulan sa oregon partikular sa Portland at inaasahang magpapatuloy pa ito hanggang Biyernes.
(Cristie Rosacia)
Tags: Amerika, malakas na bagyo, Oregon, State of emergency