METRO MANILA – Posibleng pumasok sa bansa ang isa hanggang sa 2 bagyo ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa forecast ng PAGASA, may 2 posibleng senaryo na maaaring tahakin ng bagyo.
Una rito, ang maaaring paglapit ng bagyo sa kapuluan, bago kumilos papalayo ng bansa.
Habang ang ikalawa naman ay maaaring tumawid ang bagyo ng Eastern Visayas, Bicol, Mimaropa at ilan pang bahagi ng Luzon hanggang makalabas ng West Philippine Sea.
Sa ngayon ay wala pang namomonitor ang ahensya na namumuong Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Nagpaalala naman ito sa publiko na patuloy na imonitor ang weather updates, dahil nagbabago-bago rin ang track ng bagyo.