Karamihan sa mga zoo na palagi nating napupuntahan ay focused sa pag-aalaga sa mga hayop na kanilang kinukopkop.
Ngunit may ilan na sumusubok na rin sa pagbi-breed o pagpaparami ng kanilang mga alaga upang makatulong na hindi maging endangered species o extinct ang mga ito, gaya na lamang ng Zoo Negara sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kamaikailan lang ay napaanak nila ang kanilang mag-asawang giraffe na nakuha nila sa Africa, ang baby giraffe ay may taas na 2 metro at makalipas ang mahigit isang oras pagka silang ay agad itong nakakatayo.
Ang mga giraffes ang pinakamataas na land mammal sa buong mundo, kung saan umaabot ng 4-5 meters ang kanilang height.
Kakatuwa rin kung paano nabuo ng kanilang pamilya sa tulong ng mga sponsors para madala ang mga hayop sa zoo.
Mahigit limang pung taon na ang Zoo Negara mula ng magbukas sa publiko, nakamamangha kung paano nila napaparami ang ilan sa mga alagang hayop.
Ayon sa deputy president ng Zoo Negara, araw-araw nakatatanggap ng vitamins at laboratory check-up ang mga hayop upang matiyak na malusog at walang sakit ang mga ito.
Bukod sa napaanak din nila ang kanilang mag asawang giant panda, nakita rin namin ang tatlong tigre na dito na rin sa zoo ipinanganak at lumaki.
Maging ang kanilang orangutan ay dito rin nakuhang manganak, at napag-alaman ko na dito sa Malaysia nagmula ang malay word na “orang utan” na ang ibig sabihin ay man of the forest.
( Bryan Evangelista / UNTV Correspondent )
Tags: alagang hayop, Malaysia, Zoo Negara