Zika virus alert, idineklara sa Colombia, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1213

ZIKA-COLUMBIA
Todo ang pag iingat na ginagawa ng mga residente dito sa Colombia dahil sa panganib na dala ng lumalaganap na zika virus sa bansa

Ayon sa datos ng Ministerio De Salud De Colombia, simula october 2015 hanggang sa kasalukyan ay umaabot na sa 20,297 ang kaso ng zika virus sa Colombia na may 1,911 na bilang na apektadong buntis.

At inaasahang aabot pa ng 600,000 ang bilang ng maaring maapektuhan ng virus hanggang sa katapusan ng taong ito

Dahil dito, nagdeklara na ng zika virus alert ang Colombian government.

Puspusan ang kanilang mga ginagawang fumigation sa iba’t ibang lugar sa syudad upang mapuksa ang mga lamok na aedis aegypti na may dala ng virus

Nagbabahay-bahay rin ang mga city worker upang alisin ang mga basura, debris at iba pang bagay na maaring pamahayan ng mga lamok

Nagsasagawa rin ng serye ng information dissemination ang pamahalaan upang maturuan ang mga residente ng dapat gawin upang maiwasan ang sakit lalong-lalo na ng mga buntis

Doble naman ang pag-iingat ng filipino community dito sa Colombia upang maiwasan ang nasabing virus.

Ilan sa mga preventive measure na ginagawa ng ating mga kababayan, ang pag-iwas sa pagbiyahe sa mga lugar na apektado ng zika virus tulad ng mga lugar sa parteng norte ng bansa, paggamit ng mosquito repellants, at pagpapanatiling malinis palagi ang bahay at kapaligiran.

(RC Reyes/UNTV News)

Tags: , ,