Zero firecracker at indiscriminate firing casualty, target ng PRO-4A sa pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 1283

Kumpiyansa ang Philippine National Police Calabarzon na maitatala nila ang zero fire cracker at indiscriminate firing incident sa pagpasok ng taong 2018.

Bunsod nito, inatasan na ni Police Regional Office Director PCSupt. Ma.O Aplasca ang kaniyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa mga local  government officials hinggil sa kanilang kampaniya. Partikular na kanilang hihilingin sa  LGU officials ang paghihigpit at pagbabantay sa mga ipinagbabawal na paputok sa kanilang mga lugar.

Maglalagay ng mga designated area kung saan maaaring manood ang publiko ng phyrotechnics sa pagpapalit ng taon. Noong nakaraang taon, nakapagtala ang PNP Calabarzon ng 229 na kaso ng tinamaan ng paputok sa rehiyon. Isa naman ang tinamaan ng ligaw na bala sa Batangas habang dalawa ang naaresto sa Rizal at Batangas dahil sa pagpaputok ng baril.

Hinihikayat  ng PNP ang publiko na agad na magsumbong sa kanila sakaling may makita na  sinomang magpapaputok ng baril sa kanilang lugar.

Samantala, mahigit 3200 mga pulis  ang nakakalat sa mga matataong lugar tulad ng mga malls terminal at pantalan upang mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,