Zero crime rate, naitala sa M.Manila sa araw ng laban ni Pacquiao

by dennis | May 4, 2015 (Monday) | 3113
Photo credit: Reuters/USA Today Sports
Photo credit: Reuters/USA Today Sports

Walang naitalang krimen ang Philippine National Police sa Metro Manila kahapon, araw ng Linggo.

Kasabay ito ng ginanap na laban sa pagitan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ipinahayag ni Sr. Supt. Bartolome Tobias, officer-in-charge ng Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) na nagtala ng zero crime rate ang Kamaynilaan simula alas 9:00 ng umaga.

Pero sa kabila nito, dalawang krimen naman ang naitala sa labas ng Metro Manila.

Batay sa ulat ng PNP National Operation Center, naitala sa Batangas at Laguna ang magkahiwalay na insidente ng pamamaril kung saan kinilala ang mga namatay na sina Ronel Villarosa na binaril sa Tanauan City at si Julia Dela Peña na tinamaan ng ligaw na bala sa Sta. Cruz, Laguna

Tags: , , ,