Nakapagtala ng zero casualty ang bayan ng Pandan, Catanduanes matapos humagupit ang bagyong Rolly sa lalawigan.
Isinagawa sa mga residente ang forced evacuation sa mga lugar na malapit sa dagat at ilog.
Ayon sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes umabot sa 842 na pamilya o may kabuoang 3,456 na indibidwal ang lumikas para masigurado ang kaligtasan ng lahat.
Pangunahing nawasak,nasira at tinupok ng bagyo ang mga bahay na gawa sa light materials, sa kabuuan aabot sa 222 na bahay ang nawasak sa Pandan, Catanduanes.
Kaugnay nito, matapos manalasa ang bagyo ay maagang inumpisahan ng lokal na pamahalaan ang road clearing operations sa direktiba ng alkade ng lokal.
Ayon sa lokal na pamahaalan passable na ang lahat ng kalsada sa 26 na barangay ng bayan matapos ang nasabing hakbang. Hinihingi ng alkalde sa mga kababayan ang pakikipagtulungan para sa agarang pagsasaayos ng mga tumbang puno dahil sa hagupit ni bagyong Rolly.
(Jasper Barangan | La Verdad Correspondent)
Tags: Catanduanes, zero casualty