Walang naiulat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa bilang ng casualty o namatay dahil sa Bagyong Chedeng.
Batay sa pinakahuling report ng NDRRMC ngayong Lunes, may 708 pamilya o 2,761 indibidwal ang apektado ni Chedeng at ngayo’y low pressure area (LPA) sa mga lalawigan ng Aurora at Isabela.
Nakabalik na rin sa kani-kanilang tahanan ang 525 pamilya o 2,140 evacuees mula sa dalawang nabanggit na probinsya.
Nitong Linggo, humina ang noo’y Bagyong Chedeng at naging LPA na lang.
Tuluyan itong nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninag umaga.
Tags: Chedeng, low pressure area, NDRRMC, PAR, Philippine Area of Responsibility, zero casualty