Nagsasagawa ngayon ng surveillance ang Zamboanga Regional Police hinggil sa operasyon ng iligal na droga sa Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Deputy Regional Director for Operation Senior Superintendent Debold Sinas, may mga lugar sa Region 9 na ginagawang daanan ng mga distributor ng illegal drugs gaya ng Zamboanga City at Tawi-Tawi papunta sa ibang bansa.
Ngunit paglilinaw ni Sinas, gateway lang at wala silang na-monitor na may laboratoryo ng illegal substance sa Zamboanga Peninsula.
Mula Enero hanggang hunyo 2016 ay umabot na sa mahigit 3,000 gramo ng shabu na may 16-million pesos na market value ang nasabat sa Zamboanga at nasa 734 suspects naman ang nahuli sa mga operasyon.
(Dante Amento/UNTV Radio)
Tags: Deputy Regional Director for Operation Senior Superintendent Debold Sinas, Zamboanga police