Zamboanga City Gov’t., hihilingin sa COMELEC na payagan silang mamigay ng ayuda sa mga apektado ng El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 3402

ZAMBOANGA-COMELEC
Hihilingin ng Zamboanga City Government sa COMELEC na payagan silang mamigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng El Niño phenomenon sa gitna ng election period.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution Number 9981, ipinagbabawal sa mga kandidato o political organization ang pamamahagi ng mga donasyon gayundin ang paglalabas ng public fund upang ipambili, halimbawa, ng relief goods upang maiwasan ang pamumulitika.

Ayon sa City Legal Office, nasa ilalim na ng state of calamity ang lungsod kaya maaari itong humiling ng exemption.

Umabot na sa anim na libong mga magsasaka ang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa Zamboanga City partikular na ang mga umaasa lamang sa buhos ng ulan bilang patubig tulad ng rain-fed rice at corn farmers.

Tags: , ,