Zamboanga City Electric Cooperative, planong magbenta ng ari-arian nito

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 1740

DANTE_ZAMCELCO
Nais nang ipagbili ng Zamboanga City Electric Cooperative o ZAMCELCO ang ilan nitong ari-arian.

Ito ay upang makabayad sa kasalukuyang pagkakautang sa isang nitong supplier, ang PSALM o Private Sector Assets and Liabilities Management Corporation na dating pagmamay-ari ng NAPOCOR.

Mayroon umanong isang kompanya na gustong bilhin ang kanilang sub-station sa bayan ng putik.

Umaabot na sa mahigit one billion pesos ang utang ZAMCELCO sa PSALM at patuloy pa itong nadagdagan.

Ngunit ayon naman kay Zamboanga City First District Representative Celso Lobregat na dapat pag-aralan muna ng ZAMCELCO ang kanilang plano.

Aniya dapat din aniyang unahin ng kooperatiba ang problema sa system loss na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba na nagiging sanhi ng pagkalugi nito.

Ayon sa mambabatas, dapat alamin ng kooperatiba kung saan napunta ang mga nawawalang suplay ng enerhiya sa lugar na posibleng dulot ng sirang linya ng kuryente o kaya naman ay illegal connections.

Dagdag pa ng mambabatas hindi madaling ipagbili ang ari-arian dahil nangangailangan pa itong dumaan sa public consulation at kailangan na pumayag ang 2/3 sa lahat ng member-consumers.

Payo ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, magsagawa ng general assembly upang maikonsulta sa mga stakeholders ang problema ng kooperatiba.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,