Zambo City Gov’t, naniniwalang maganda ang ibubunga ng planong pakikipag-usap ni incoming President-elect Duterte sa wanted na si Nur Misuari

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1070

DANTE_ZAMBOANGA
Naniniwala ang Zamboanga City Government na maganda ang layunin ni President-elect Rodrigo Duterte sa umano’y plano nitong pakikipag-usap kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Si Misuari ay wanted sa kasong rebelyon at violation of international humanitarian law dahil siya ang itinurong utak noong 2013 Zambo Siege.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na walang masamang hangarin si Duterte sa plano nitong pakikipag-usap kay Misuari.

Ayon kay Atty. Jesus Carbon, city legal officer, prerogative ng pangulo kung sino man ang kanyang gustong kausapin lalo’t na kung itoy may kinalaman sa inaasam na pagbabago at kapayapaan partikular sa Mindanao.

Binigyang diin pa nito, na bilang abogado, alam ni Duterte ang batas at kung ano ang kanyang nararapat gawin.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,