METRO MANILA – Good news para sa ating mga kasangbahay na mga regular na empleyado ng gobyerno.
Dahil simula ngayong araw (November 15) ay ibibigay na ang year-end bonus at cash gift ayon sa Civil Service Commission (CSC).
Ayon kay Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada, nasa 1.7 million regular government employees ang makakuha ng nasabing bonus at cash gift, pero mababawasan pa aniya ito ng buwis.
Ang matatanggap ng isang empleyado ng gobyerno ay yung 1 month salary nila at 5,000 cash gift subject to tax.
Qualified na makatatanggap ng year-end bonus at cash gift ang mga empleyado na nakapag-render ng serbisyo na hindi bababa sa 4 na buwan mula January 1 – October 31 ngayong taon.
Ang year-end bonus na matatanggap ng isang empleyado ay katumbas ng 1 buwan na sweldo, habang P5,000 naman ang matatanggap na cash gift.
Aabot sa higit P56-M na budget ang inilaan ng pamahalaan para sa year-end bonus ng mga regular na empleyado ng gobyerno, habang nasa higit P8.6-M naman ang alokasyon para sa cash gift.