World’s largest walk-in aviary, matatagpuan sa Kuala Lumpur, Malaysia

by Radyo La Verdad | March 5, 2018 (Monday) | 10173

Sabi nga sa ating inaawit, ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak.

Kaya naman dito sa Kuala Lumpur Bird Park, ang tinaguriang worlds largest walk in aviary, malayang nakalilipad ang mga ibon at natural na nakapagpaparami.

Ang mahigit dalawampung ektaryang bird park, ay dating kagubatan na ginawang opisyal na tahanan ng mahigit dalawang daang uri ng ibon upang maingatan ang mga ito at maging natural na pasyalan.

Mayroon din silang feeding program kung saan maari mong painumin ng flower nectar ang mga ibon upang dumapo sa iyo at mamalas ang nakamamangha nilang mga kulay.

Nakatutuwang pagmasdan ang mga ibon na tila gaya rin namin na namamasyal lang dahil malayang nakakalakad at nakakalipad.

Kaya dapat lang maingatan dahil may mahalaga silang ginagampanan upang maikalat ang mga buto ng punong kahoy sa kagubatan, na tayo rin ang lubos na nakikinabang.

 

( Bryan Evangelista / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,