World Robot Summit, isinasagawa upang hanapan ng solusyon ang labor gap sa Japan

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 4154

Higit sa 90 Japanese at Overseas Companies ang nakikibahagi sa unang World Robot Summit na inorganisa ng Japan’s Ministry of Economy, Trade and Industry at New Energy and Industrial Development Organization sa Tokyo Big Sight simula kahapon at magtatagal hanggang sa ika-21 ng Oktubre.

Layon ng pinakamalaki at latest trend sa robotics na punuan ang labor shortage ng iba’t-ibang industrya sa Japan. 23 grupo naman ang nakikibahagi sa service robot competition. Kabilang na rito ang robot-workers na nagsasalansan ng mga pakete ng lattes at bento boxes sa isang mock convenience store shelf.

Gayunman, tila malayo pang mangyari ang pagkakaroon ng robot uprising sa mga maliliit na negosyo.

Ayon sa isang manager ng small construction firm, napakamahal bumili ng mga robot para palitan ang human worker.

Naghahanap ng solusyon ang Japan sa bumababang bilang ng mga empleyado sa mga work place dahil sa mabilis ng pagtanda ng populasyon nito.

Isinusulong din ni Prime Minister Shinzo Abe na mas maraming kababaihan ang maging bahagi ng workforce.

Kahit na inaasahan ng pamahalaang bumaba ang bilang ng mga may edad 15 hanggang 64 anyos sa 45 milyon sa taong 2065, mula sa 76 milyon noong 2017.

Samantala, balak naman muling gawin ang ganitong World Robot Summit sa taong 2020.

 

Tags: , ,