World record bilang largest gospel choir, nakamit ng ADD sa ika-35 anibersaryo nito

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 3554

ADD chorale
Nagtagumpay ang Ang Dating Daan Chorale sa official attempt nitong ma-break ang Guinness world record for the largest gospel choir.

Nakuha ng grupo ang world record sa pagdiriwang ng kagabi ng ika-35 anibersaryo ng programang Ang Dating Daan kung saan nagtipon sa sa Araneta Coliseum ang 8, 688 na mga mang-aawit.

Naghandog ng ilang papuring awit Ang Dating Daan Chorale bilang pagkilala sa kabutihan ng Dios at paggabay sa longest-running religious program sa bansa.

Hinarana rin ng grupo ang Persons with Disabilities na silang mga VIP sa naturang event.

Bukod sa mga awitin, tumanggap ng mga regalo at donasyon mula kina Ang Dating Daan’s host Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon ng Members Church of God International (MCGI) ang mga bisitang PWD.

Ang 12 organisasyon na kinabibilangan ng Persons with Disabilities na special guests sa ADD 35th anniversary ay ang sumusunod: Cerebral Palsied Association of the Philippines, Inc., Adaptive Technology for Rehabilitation, Integration and Empowerment of the Visually Impared (ATRIEV), Samahan ng mga Magulang na Iniingitan ang Lahat ng Batang Espesyal (SMILE) Inc., Marikina Persons with Disabilities Inc., Gabay ng mga may Kapansanan sa Malabon City Inc., Caloocan Persons with Disability Zone Association Inc., Federation of Persons with Disabilities in Bagong Silang District I Inc., PWD Leaders Alliance-Manila (PLAM), Asosasyon ng May Kapansanan sa Pateros, Paranaque Association of Persons with Disabilities, AFP-PWD (Association of Focal Person for Persons with Disability) at Quezon City Persons with Disability Affair Office (QCPDAO).

Bukod sa nabanggit na mga organisasyon, tumanggap din ng wheelchairs at monetary gifts mula kina Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon ang iba pang PWDs.

Dumalo sa 35th anniversary celebration ng Ang Dating Daan kagabi si Guinness World Records Adjudicator, Ms. Fortuna Burke Melhem na bumyahe pa mulang London.

Tags: , , , , ,