Ginugunita ngayong araw ang “World No Tobacco Day” na may temang “Tobacco – A threat to development.”
Kaisa ng health department ang Action on Smoking and Health Philipines at ang New Vois Association of the Philippines sa pagpapaigting sa bansa ng kampanya kontra paninigarilyo.
Kaugnay nito, ilulunsad ng DOH ang “Quit line.”
Magiging daan ito upang matulungan ang isang naninigarilyo na talikuran ang kanyang bisyo.
Sa mga cessation clinics, sasailalaim sa replacement therapy ang nagnanais tumigil sa paninigarilyo upang maalis ang adiksyon ng mga ito sa nicotine.
Samantala, nakatakda na ring ilabas sa Hulyo ang implementing rules and regulation para sa nationwide smoking ban.
Samantala, ikinokonsidera rin sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban ang pagbibigay ng ibang mapagkakakitaan sa mga nagtitinda ng sigarilyo.
(Aiko Miguel)
Tags: World No Tobacco Day