World Health Organization inihalintulad ng Pandemic ang Outbreak ng Coronavirus Disease

by Erika Endraca | March 12, 2020 (Thursday) | 9990

3 buwan matapos madiskubre ang Coronavirus Disease na nagumpisa sa Wuhan China, naging mabilis ang pagtaas ng kaso nito sa nasabing bansa. Ilang buwan ang lumipas kumalat na ito sa iba’t ibang mga bansa.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 121,000 ang infected ng COVID-19 sa buong mundo. Habang mahigit 4,000 na ang nasawi.

Umabot na rin sa mahigit 100 mga bansa sa labas ng China ang nagkaroon na ng kumpirmadong kaso. Kabilang sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay ang China, Italy, Iran, Korea, Spain, France, Germany at Amerika.

Dahil sa mga bilang ng kumpirmadong kaso sa iba’t ibang bansa itinuturing na ng World Health Organization na Pandemic ang outbreak ng Coronavirus Disease.

Ang pandemic ay ang pagkalat ng epidemya ng isang sakit sa malaking bahagi ng mundo tulad ng sa iba’t-ibang kontinente.

“And we’re deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity and by the alarming levels of inaction. We have therefore made the assessment that COVID-19 can be characterized as a pandemic. Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It’s a word, that if misused, can cause unreasonable fear or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death.” ani WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Kabilang sa mga sakit na idineklarang Pandemic mula 1918 hanggang 2016 ay ang; 1918 flu, Asian flu noong 1956 hanggang 1958 ito ang pinakamaraming kaso na naitala noon sa Sweden na nagresulta ng pagpapasara ng mga paaralan sa bansa. Hong kong flu H3N2 strain noong 1968  at ang HIV / AIDS noong 2005 hanggang 2012.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,