World Bank, itinaas sa 6% ang GDP growth forecast sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | June 8, 2023 (Thursday) | 3156

METRO MANILA – Itinaas ng World Bank ang  forecast nito sa magiging paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2023.

Mula sa 5.6%, inaasahang aabot sa 6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Gayunman, ayon kay World Bank Senior Economist Ralph Van Doorn, nananatili ang mga panganib na maaaring makaapekto sa economic activity ng mundo.

Kabilang na dito ang inflation o antas ng bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin  at posibleng paglala ng geopolitical tensions.

Tags: , ,