WISHful ng Cebu, wagi sa third cluster ng wildcard edition ng WISHcovery

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 3252

Pinaghandaan ng apat na returning WISHfuls ang vocal clash para sa wilcard edition ngayong Sabado sa pag-asang makapasok sa grand finals.

Unang sumabak ang pambato ng Iloilo, JM Bales sa kanyang rendition ng side a hit “Tell me”. Nagbabalik naman sa kumpetisyon ang semi-finalist na si Diana Tabitha Caro ng Las Piñas para sa awiting “Forever’s not enough”.

Ang Sam Concepcion hit na “Mahal na mahal” naman ang napiling awitin ng WISHful mula sa Laguna, Danielle Joshua Supnet.

Samantala, isang madamdaming comeback performance ng awiting “Anak” naman ang nagpapanalo sa rising star ng Cebu, Zekiah Jane Miller.

Makakalaban ni Zekiah sa slot sa WISHful 5 sina Jenimay Mabini, Princess Sevillena at ang Wishful na papalaring manalo sa huling cluster ng wildcard edition sa darating na Sabado.

Kahapon ay nagkaroon ng live chat sa kanilang fans ang WISHful 4 na sina Hacel Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala at Kimberly Baluzo.

Simula na rin ngayong araw ang hometown tour sa probinsya ni Hacel, ang Cavite.

Abangan ang kanyang mini-concert mamaya sa Bacoor Strike Gymnasium, Bacoor City, alas-siyete ng gabi.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,