Exciting ang vocal showdown ng returning WIShfuls ng WISHcovery noong Sabado dahil dito malalaman kung sino ang huling WISHful na sasabak sa final stage ng wildcard round.
Inaral mabuti ni Charlene Hernandez ng Muntinlupa ang previous comments ng resident reactors para sa kanyang performance ng “Iisa pa lamang”.
Nagbabalik din sa kumpetisyon ang semi-finalist na si Audrey Malaiba ng Batangas para sa awiting “Kung ako na lang sana”.
“Better days” ni Franco naman ang napili ni Bicol’s pride Lyka Boñol para sa kanyang comeback performance.
Pero ang pinaka nag-stand out sa cluster na ito, ang pambato ng Rizal, John Harvey Magos.
Makakalaban ni John Harvey sa final wildcard battle sina Jenimay Mabini, Princess Sevillena at Zekiah Jane Miller sa darating na Sabado.
Ang mananalo dito ang haharap sa WISHful 4 at may pagkakataong maging kauna-unahang grand champion ng freshest online singing competition sa bansa, ang WISHcovery.
Samantala, mamayang alas-syete ng gabi naman ay isasagawa ang hometown concert ni WISHcovery grand finalist Louie Anne Culala sa San Ildefonso Gymnasium, Bulacan.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: John Harvey Magos, Rizal, WISHful