Dalawang Original Pilipino Music o OPM ang muling binigyan ng sariling version ng ikatlong batch ng Wishful sa semi-final round ng WISHcovery noong nakaraang linggo.
Kasama ang WISH band, ibinuhos ni Diana Tabitha Caro ng Las Piñas ang kaniyang emosyon sa kaniyang rendition ng “Paano na kaya” ni Bugoy Drilon.
Napabilib naman ng Bulakenyang si Louie Anne Culala ang reactors sa kaniyang alternative rock version ng pop dance hit na “Ikot-ikot”. Nakakuha ng mas mataas na grado si Louie Anne at siyang hinirang na third grand finalist.
Ngayong linggo, maglalaban naman para sa ika-apat at huling spot sa grandfinals ang dalawang natitira sa WISHful 8 na sina Lyka Boñol at Kimberly Baluzo.
Maaari na ring mapanood sa WISH 107-5 youtube channel ang performances ng mga ito
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Bulacan, wishcovery, WISHful