Dalawang Batangueña ang nagpasiklaban sa semi-finals ng WISHcovery noong weekend. Aminado ang mga resident reactor na sina Annie-lyst at Jungee-neer na nahirapan silang pumili dahil isa anila ito sa mga pinakamahigpit na laban.
Itinanghal na second grand finalist si Carmela Ariola mula sa Batangas City kung saan binigyan niya ng birit version ang alternative rock song na Ako’y sa ‘yo, Ika’y Akin.
Gayunpaman, humanga rin ang mga hurado sa atake ni Audrey Malaiba ng Sto. Tomas, Batangas sa “Someday” kung saan naihalintulad pa siya sa isang sikat na singer na si Mariah Carey.
Dalawa na lamang ang natitirang slot para sa WISHcovery grand finals. Maglalaban naman ngayong linggo sina Diana Tabitha Caro at Louie Anne Culala.
Ang kanilang performances ay maaaring mapanood sa WISH 107-5 youtube channel.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Batangas City, wishcovery, WISHful