WISHful Louie Anne, ibinahagi ang malaking pagpapahalaga sa edukasyon bukod sa talento

by Radyo La Verdad | April 23, 2018 (Monday) | 8167

Matapos tanghaling WISHcovery 2nd runner-up, isa na namang bagong achievement ang naabot ni WISHful Louie Anne Culala.

Noong Sabado, nagtapos si Louie Anne sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Baliuag University sa Bulacan.

Nakumpleto ni Louie Anne ang kurso sa kabila ng pagiging aktibo sa pagsali sa singing competitions.

Kauuwi lamang ni Louie Anne sa bansa mula sa on-the-job training (OJT) sa isang hotel sa South Dakota, USA nang mag-audition sa WISHcovery.

At kahit nakapasok sa kumpetisyon, hindi naging option sa noo’y tourism student ang tumigil sa pag-aaral.

Isang pride naman kung ituring ng paaralan si WISHful Louie Anne.

Ang pagtatapos na ito ay simula naman ng bagong yugto sa buhay ni Louie Anne at isa sa kaniyang mga sandata upang makamit ang pangarap na magandang kinabukasan

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,