Itinuturing na “historical” nila Music Producer Junjee Marcelo at Star Music Audio and Content Head Jonathan Manalo ang release ng kauna-unahang album ng WISHful 5 na tinaguriang “WISHful Journey”. Ito ay dahil sa loob lamang ng ilang oras ay mahigit 15,000 units nito ang agad na nabenta.
Kaya naman kasabay ng kanilang WISHful Journey Concert sa Smart Araneta Coliseum kagabi ay pinarangalan ang mga ito ng gold and platinum award.
Namamangha ang dalawang veteran composers sa suporta ng publiko sa WISHful 5 dahil parehas naabot ang gold at platinum award.
Base sa Philippine Association of the Record Industry Inc. (PARI) Inc., maituturing na gold award ang isang album kapag naabot nito ang 7, 500 units sold at platinum award naman kapag naaabot nito ang 15,000 units sold.
Ayon pa kay Junjee Marcelo, isang malaking karangalan na maging bahagi ng song writing team ng WISHful 5.
Gayundin ang makasama sa paghubog sa talento ng mga ito lalo na’t malaki ang nakikita nilang potensyal sa lima para umusbong ang kanilang career sa music industry ng bansa.
Ipinaabot naman ni Kuya Daniel Razon, ang innovator sa likod ng Wish 107.5 ang kaniyang pasasalamat una sa Dios, sa isang matagumpay na record sales at “WISHful Journey” concert ng WISHful 5.
Umaasa naman si Junjee Marcelo ng mas marami pang mga innovations at proyekto mula sa Wish FM, hindi lamang sa larangan ng public service kundi pati sa pagdiskubre ng mga Filipino singing gems.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: WISH FM, WISHful 5, WISHful Journey Album