Isa sa mga mapapalad na WISHcovery auditionee na napili mula sa isinagawang on-ground audition sa Manila si Ma. Sheila Gabreza. Bata pa lamang ay sumasali na ng mga singing contest si Sheila maging ang kanyang kapatid na si Rachel, na ilang beses na ring naging guest performer sa mga event ng wish 107-5.
May mga pagkakataon pa ngang nagkakalaban ang mga ito sa isang kumpetisyon. Passion nila ang pag-awit ngunit may mas malalim pang dahilan ang kanilang pagsali sa mga singing competition, ito ay dahil mayroonsilang naiuuwi para sa kanilang pamilya.
Si Sheila ay ikalawa sa anim na magkakapatid at tatlo pa sa kanyang mga kapatid ang nag-aaral. Matindi ang pangangailangang pinansyal ng kanyang pamilya para maipagamot ang kanyang bunsong kapatid na may leukemia. Hindi anila sapat ang kita ng amang tricycle driver at kanyang sahod bilang billing officer ng isang kumpanya.
Sa likod ng pagsali ni Sheila sa WISHcovery ay pag-asa, pag-asa na makikilala sa larangan ng pag-awit at higit pa rito ay pag-asang matutulungan ang mga taong nagsisilbing inspirasyon sa kanyang buhay.
(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)
Tags: Ma. Sheila Gabreza, Makati City, wishcovery