MANILA, Philippines – Hinarana ng mga Wishcoveree ang mga music lovers sa Antipolo, Rizal kagabi bago magperform sa gaganapin na Wishcovery Season 2 Grand Finals Night sa The Big Dome sa Pebrero 26.
Iba’t ibang emosyon ang naramdaman nila sa unang pagkakataong magkasama-sama at kantahin sa harapan ng live audience ang awiting nilikha para sa kanila ng kaniya-kaniyang composer-wishcoverer.
Kabilang sa mga aawit ay sina Rhea Basco (Hingang Malalim by Jungee Marcelo); Jemy Picardal (Maliit Na Kwadro by Rannie Raymundo), Audrey Rose Arellano (Nasa ‘Yo by Odette Quesada), Nashrene Casas (Light In The Dark by Top Suzara), Tweetie Salas (Gising Kabataan by Noel Cabangon), Paula Guevara (I Am A Singer And This Is My Song by Moy Ortiz), Angelica Bermoy (Alamat by Boy Christopher Ramos), at Anna Marie Guinsisana (Ang Sakit-sakit Naman by Vehnee Saturno).
Nagpahayag isa-isa ang mga Wishcoveree ng kanilang mga kakaibang karanasan ng Wishcoveree Grand Finalists, babaunin din anila ang masayang samahan at ala-ala sa kabila ng mahigpit na kumpetisyon.
“Sa ibang competition po kasi parang mas pine-pressure ka po nila tapos dito po, hindi po. Parang family po talaga dito,” pahayag ni Nashrene Casas, Wishcoveree Grand Finalist.
Hanga naman ang mga Finalist sa konsepto ng Wishcovery Season 2 at mga oportunidad na ibinibigay ng Wish 107.5 hindi lang para sa mga katulad nilang aspiring singers sa bansa kundi sa kanilang mga chosen beneficiaries.
“For Wishcovery Season 2 po kasi, ang differences sa ibang singing competition na na-joinan ko po, ito kasi may charity component. So, aside from the singing competition itself, like the online singing competition, may charity component siya, so, ngayon pa lang po, panalo na po kami kasi makakapagbigay na po kami doon sa chosen beneficiary po namin,” pagpapaliwanag ni Paula Guevara.
“Wishcovery Season 2 is probably one of the smartest concept made. Kuya Daniel is very smart. Grabe ‘yung concept na ginawa niya kasi I would always say na kung nasa probinsya ka, it is so hard to get into the music scene lalo na sa Manila and it’s very nice na ‘yung Wish po mismo ‘yung pumupunta sa kaniya-kaniyang provinces namin para maghanap po ng singing gems.Kasi ang dami pong magagaling na singers all around the Philippines pero walang chance na ma-discover and Kuya Daniel Razon made that possible,” pagpapasalamat ni Tweetie Salas.
Wish come true naman para sa walong Wishcoverees ang kanilang pagtatanghal isang napakalaking venue.
“Sobrang excited kasi hindi ko po inaasahan na makakanta po ako sa Araneta na most mga artists po ang kumakanta po doon, tapos isa po ako sa kakanta ngayong 26 sa Araneta po kaya sobrang happy,” ani Angelica Bermoy.
Ang Wishcovery Season 2: The Singer and the Song Finals Night ay gaganapin sa Araneta Coliseum, Pebrero 26.
(Asher Cadapan, Jr. | UNTV News)
Tags: Wish 107-5, Wish 107.5 YouTube channel, wishcovery, Wishcovery Season 2