Binigyang parangal ng grupo ng business, market research at advertising agencies sa pangunguna ng Philippine Events Specialist and Marketing Services Company ang ilang mga indibidwal at organisasyon sa bansa na nagpakita ng pambihirang husay sa iba’t-ibang larangan. Kabilang sa mga kinilala ng grupo ang ilang mga personalidad at programa sa UNTV at Radyo La Verdad.
Pinarangalan bilang Best Choice Achiever for TV and Public Service ang CEO ng UNTV si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon dahil sa mga programa nitong nakatuon sa pagtulong sa kapwa.
Samantala, Best Choice Achiever naman for News and Public Service Broadcasting ang isa sa mga anchor ng english newscast ng UNTV na Why News na si William Thio.
Para naman sa Best Choice Companies and Brands, napili sa Public Service Program Category ang Programa ng Radyo La Verdad 1350, ang Serbisyong Kasangbahay.
Ito na ang ikalawang sunod na taon na nakuha ng Serbisyong Kasangbahay ang parangal na ito.
Wagi rin ang WISH 107-5 bilang Most Innovative and Outstanding Radio Broadcasting Production.
Ang WISH fm ang nag-introduce ng WISH bus na siyang one and only FM Radio booth on wheels sa Pilipinas at kilala rin sa mga de-kalidad nitong WISHclusive videos.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: RADYO LA VERDAD, UNTV, WISH FM