“Your Gateway to the World”, ito ang papel ng WISH 107.5 sa mga budding, up and coming at hitmakers sa industriya ng musika. Bagay na unti-unti na nitong naabot sa loob lamang ng halos apat na taon ng pagsasahimpapawid nito.
Sa maikling panahon ay nakilala na ito at sa katunayan ay nananatiling No.1 FM Youtube Channel sa bansa na mayroon nang 2.8 million subscribers at mahigit 1 billion views.
Kilala rin ang WISH sa iba’t-ibang inobasyon sa music industry, kabilang na rito ang mga programang may puso tulad ng WISH Music Awards na nagbibigay karangalan sa outstanding artists kasabay ang pagtulong sa mga benepisyaryo nito.
Gayundin ang FM-booth-on-wheels na WISH Bus na malapit na ring ilunsad sa Hollywood.
Tunay nga na nagsisilbing tulay ng mga Pilipino sa international music scene ang WISH 107.5.
Katunayan, nito lamang nakaraang linggo ay kinilala ang isyasyon bilang isa sa mga World Class Philippine Company sa bansa sa World Class Philippines Awards 2018.
Aabangan naman ng mga wisher ang mas marami pang inobasyon at proyekto mula sa istasyon hindi lamang para sa mga artist kundi sa mga listener.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: best company, Wish 107-5, World Class Philippines Awards 2018