WISH 107.5, ipinagdiriwang ang ikaapat na anibersaryo ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 3943

Ipinagdiriwang ngayong araw ng WISH 107.5 ang ikaapat na anibersaryo nito.

Ang WISH ang nananatiling numero unong FM youtube channel sa bansa dahil sa mga kinagigiliwang Wishclusive videos at umani na rin ng maraming parangal kahit maituturing na baguhan pa lamang sa industriya.

WISH 4 Love ang tema ng ikaapat na anibersaryo ng WISH 107.5 na ipagdiriwang ngayong araw.

Ang pagdiriwang ang tinatawag din na “143 WISH Party”. Kumakatawan ito sa achievements ng WISH sa mga nakalipas na taon.

1, para sa 1 bilyong accumulated views ng WISH Fm youtube channel; 4, para sa apat na taon ng pagsasahimpapawid ng himpilan at 3 para sa 3 milyong subscribers at patuloy pang nadaragdagang bilang ng WISH youtube channel.

Ang WISH ang nananatiling numero unong FM youtube channel sa bansa dahil sa mga kinagigiliwang WISHclusive videos na naka-upload dito.

Kabilang na rito ang kasalukuyang most viewed performance na “Mundo” ng IV of Spades na mayroon ng 79 milyong views. “Secret Love Song” ni Morissette na umani na ng 77 milyong views, at “One Day” ni Bugoy Drilon na mayroon ng 76 milyong views.

Sa loob ng apat na taon, kabi-kabilang parangal at pagkilala na rin ang tinanggap ng WISH 107.5 mula sa iba’t-ibang award-giving bodies.

Hindi lang dahil sa mga natatanging inobasyon nito sa larangan ng musika, kundi maging dahil sa pagiging “Radio Station w/a Heart” nito.

Ito ang natatanging istasyon na may adbokasiyang tumupad ng mga munting kahilingan ng mga tagapakinig. Kabilang na dito ang Best FM Station award sa 1st Animo Media Choice Awards at sa Umalohokjuan Media Awards.

Kinilala rin ito bilang “Most Outstanding Broadcasting and Media Production Company” sa National Customers’ Choice Awards.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,