Wish 107.5 bus, nag-iisang roving music bus sa buong mundo

by Radyo La Verdad | January 11, 2017 (Wednesday) | 3743

Ang Wish 107.5 bus ay ang nag-iisang roving music bus sa buong mundo na naglalayong mailapit ang musika sa mga tao.

Gamit ang mga makabagong audio and video facilities, nabibigyan ng one-of-a kind musical road trip ang mga local at international artist na sakay nito.

Habang ang mga impromptu spectators naman ay nagkakaroon ng pagkakataong makapanood ng isang live mini-concert ng libre.

Kaya naman marami ang humahanga sa orihinal na konseptong ito na tunay namang pang-world class.

At dahil sa patuloy na pagsikat ng Wish fm bus, hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat, lalo ring dumarami ang mga nais maka-experience na magperform dito.

Nakapag-perform na sa Wish bus ang mga kilalang artists tulad nina Martin Nievera, Lani Misalucha, 4th Impact at Rex Smith.

Hindi naman nagpahuli su Mr. Pure Energy, Gary V na umawit ng ilan sa kanyang mga sikat na awitin.

Naniniwala si Gary Valenciano na magandang venue ang Wish bus upang makapag perform at ma-discover ang magagaling na mga filipino artist.

Samantala, inia-upload naman ang mga “wishclusive” performance sa Wish 1075 official Youtube channel na umaani ng iba’t ibang reaksyon sa publiko hindi lamang mula sa mga Pilipino kundi maging sa mga banyaga kaya hindi nakapagtataka na ang wish 107.5 ang number one fm Youtube channel sa bansa.

Sa ngayon ay mayroon na itong 265-million views and counting.

Ang Wish Youtube channel rin na mayroon nang 704,000 youtube subscribers ang itinanghal ng Youtube Philippines na highest gainer ng mga bagong subscriber noong nakaraang taon, ito ay matapos na makapagtala ng 439, 407 new followers o subscribers noong 2016.

(Mon Jocson / UNTV News and Rescue)

Tags: ,