QUEZON CITY, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon, tinanghal na Most Innovative FM Broadcasting and Media Production ang Wish 107.5 sa Best Choice Awards 2018. Sa loob ng apat na taon pa lamang na pagsasahimpapawid nito ay nakilala ang nasabing istasyon sa mga naiibang ideya at groundbreaking innovations nito.
Kabilang na rito ang state-of-the-art Wish Bus na nagbibigay ng free entertainment saan man makarating. Kamakailan ay inilunsad na rin ang radio-on-wheels Wish Bus sa Hollywood na tumutulong mag-promote ng Original Pilipino Music (OPM) hanggang sa Amerika.
Ang mga Wishclusive performance ay mapapanood sa Wish YouTube channel na siyang no.1 FM YouTube channel sa bansa. Ito ay mayroon ng mahigit 3.8 million subscribers at 1.4 billion views.
“In the four years that Wish has been in operation, it continues to go on and break the barriers and break the boundaries of music and how far it can go,” ani DJ Alice ng programang The Wonderland.
Ayon naman kay DJ Adam ng Moonlight Wishes, “It’s been like a unifying factor somehow kasi whether you’re an indie artist or you’re under a major record label, I mean everybody’s welcome and we are promoting world class Filipino talents.”
Bukod sa mga inobasyon, pinuri rin ng Best Choice Awards Council ang mga programa ng istasyon.
“All of these shows on Wish FM is very nice to listen to. Even if we are abroad, we try our best to go online and listen live on Wish FM. So, it’s very good to listen to FM stations that have balance and variety,” ayon kay Mr. Wilfredo Lemque Jr, ang chairman ng Best Choice Awards Council.
Samantala, kinilala rin ang ilan sa mga news anchor ng UNTV na sina Atty. Regie Tongol at Angela Lagunzad bilang Best Choice Filipino Achievers in the field of news and public service broadcasting.
Bukod sa paghahatid ng katotohanan at makabuluhang impormasyon, sina atty. Regie at Angela ay mga trained rescuer na nahahanda sa paghahatid ng serbisyo publiko na siyang adhikain ng UNTV News and Rescue.
“We are always grateful and we are inspired kasi alam namin na this is a big challenge for us to be always be the best.” Sabi ni Atty. Regie Tongol, isa sa mga newscaster ng UNTV news program na Ito ang Balita.
“There are no secrets to success. It is always a result of preparation, hard work at saka a lot of failures kumbaga. Kasi from failures doon mo nalalaman, you learn from your failures,” ani Angela Lagunzad, isa sa mga host ng Good Morning Kuya at anchor ng IAB.
Nangako naman ang mga ito na patuloy na magbibigay ng kalidad na serbisyo at tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Ang Best Choice Council ay binubuo ng mga respetadong marketing at research firms sa bansa na nagbabase sa consumer market review, visionary leadership, management quality at innovative practices ng isang kumpanya para bigyan ng parangal.
(Leslie Longboen | UNTV News)
Tags: angela lagunzad, best choice, best choice 2018, regie tongol, Wish 107-5