Ilalabas ngayong taon ng French startup na Whyd ang isang wireless speaker na maaaring makontrol ng user gamit ang kanyang boses.
Sa tulong ng limang microphone na nasa loob ng speaker, maaaring pumili ang user ng kanta, maghanap ng mga artist at gumawa ng playlist gamit lamang ang kaniyang boses.
Maaaring utusan ng user ang speaker hanggang sa layong limang metro, nguni’t may touchpad rin ang ito kung ayaw na ng user na magsalita.
Maaaring magpatugtog sa speaker gamit ang mga major streaming services gaya ng spotify at apple music, at maaari ring i-konekta sa sariling music app ng user gamit ang Bluetooth, Airplay o Google cast.
Tags: ngayong taon, Wireless speaker na makokontrol gamit ang boses ng user