Bunsod ng patuloy na paglobo ng krimeng kinasasangkutan ng ipinagbabawal na gamot,pinag-aaralan sa Senado na maipasa ang panukalang wire tapping law sa pagsugpo sa mg drug lord at drug pushers.
Ayon kay Senator Grace Poe, Chairperson ng Senate Committee on Public Order, panahon na upang magkaroon ng ngipin ang ating batas.
Sinabi ni Poe na sa pamamagitan ng wire tapping law, mas magiging mabilis ang usad ng kaso dahil meron ng magagamit na basehan sa halip na aktwal lamang na operasyon ng pagtugis. Sa kasalukuyang batas, maaari lamang makasuhan ang mga sangkot kung ang mga ito ay nasa mismong lugar o kung may makukuhang ipinagbabawal na gamot sa panahon na sila ay matugis ng awtoridad.
Base sa huling ulat ng Dangerous Drugs Board o DBM, tinatayang 1.7 milyon na Pilipino na ang nalululong sa droga kung saan 200,000 ang itinaas ng bilang nito mula ng nakaraang dalawang taon.
(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)
Tags: drug pushers, mga drug lord, solusyon, Wire tapping law