Binasag na ni P/SSupt. Manolo Ozaeta ang kanyang katahimikan hinggil sa rebelasyon ni Sen. Antonio Trillanes na nilasing ng ilang PNP officers ang mga tauhan at opisyal ng AFP bago isagawa ang Oplan exodus.
Ito umano ay upang hindi makasama sa paghuli kay Marwan at Basit Usman ang mga sundalo sa Mamasapano.
Base sa statement ni Ozaeta na binasa ni PNP PIO Chief P/CSupt. Generoso Cerbo, totoong nagkaroon sila ng salo-salo at konting inuman noong January 24 na tumagal ng 3 oras mula ala-sais hanggang alas- nuebe ng gabi .
Kasama nila sina Col. Melquiadez Feliciano ang commander ng 601st Infantry Brigade at Lt.Col. Romeo Bautista ang commander ng 45th Infantry Batallion at mga tauhan nito.
Nobyembre unang itinakda ang salo-salo subalit ni-reset ito noong Disyembre, pero muli itong ipinagpaliban at naisagawa lamang noong January 24 ng gabi base sa petsang pinili ng AFP.
Sinabi pa ng heneral na walang kinalaman ang wine and dine sa Oplan Exodus dahil maging si Col. Ozaeta ay hindi alam ang gagawing paghuli ng SAF kay Marwan kinabukasan. ( Lea Ylagan / UNTV News Senior Correspondent )
Tags: Col. Melquiadez Feliciano, P/SSUPT. Manolo Ozaeta, PNP PIO Chief P/CSUPT.Generoso Cerbo