Umabot na sa mahigit apat na raang ektarya ang natupok sa wildfire malapit sa Pilot Rock Conservation Camp sa San Bernardino, California.
Nasa 400 bumbero ang kasalukuyang nagtutulong-tulong upang apulain ang tinaguriang pilot fire.
Patuloy ang paglikas ng mga residente ng Summit Valley area malapit sa Cedar Springs dam at Arrowhead Lake road.
Nag-anunsyo na ang local na pamahalaan kung saan maaring pumunta ang mga residente at kung saan maaring dalhin ang kanilang mga alagang hayop.
Tags: California, mahigit 400 hektarya, Wildfire sa San Bernardino