Tuwing Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika alisunod na rin sa Proclamation No. 1041 series of 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang pagbibigay pugay sa ating sariling lengwahe.
At kasabay ng patuloy na pag-unlad ng ating pambansang wika ay ang pag-usbong ng mga bagong salita sa diksunaryo. Ngunit kasabay ng mga nangyayaring pagbabago ay ang tila paglimot na ng marami sa mga orihinal at katutubo nating mga salita.
Ayon kay Aura Abiera, assistant professor at dating chairperson ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman.
Bagama’t gamit na gamit ang wikang Filipino ng young professionals sa kanilang propesyon at laganap na rin ito sa social media, mayroon pa rin ang hindi nakakaalam sa mga pinanggalingan ng mga salitang tagalog, gaya na lang ng sepilyo, telepono at diksyunaryo.
Maging ang mga bagong salita na nauuso ay may katumbas na rin na salitang tagalog gaya ng charger, website, browser, e-mail at headset.
Hinimok naman ni Abiera ang publiko na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t-ibang institusyong panlipunan mula nasyunal hanggang sa lokal na pamahalaan para mas mapreserba at mapayabong ito.
( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )
Tags: Aura Abiera, UP Diliman, wikang pambansa