METRO MANILA – Kinumpirma ng Department Of Health (DOH) na sisimulan na ngayong Disyembre ang solidarity trial ng World Health Organization para sa mga potensyal na bakuna kontra Covid-19 sa iba’t ibang bansa kasama ang Pilipinas.
Nasa 150 hanggang 200 ang kakailanganing participants nito sa 12 sites sa bansa.
“Sa November kasi parang maguumpisa sa isang site and magfollow na po iyong iba’t ibang clinical trials in the other countries including the Philippines by December of 2020. “ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Ang WHO ang mag- aaununsyo kung ilang potensyal na bakuna laban sa Covid-19 ang gagamitin para sa trial .
Samantala, inanunsyo din ng DOH na tinanggal na rin sa solidarity trial ng therapeutics ang interferon na gamot para sa mga sakit gaya ng hepatitis, cancer at aids. Isa ito sa 4 na gamot na inirekomenda ng WHO .
“Nakita base sa resulta ng clinical trial na hindi naman siya nakakapag-reduce mortality among Covid-19 patients. So yung gamot di na-reach objective, na-achieve yung objective kung bakit siya sinusubukan para sa purpose na yun.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire .
Mula sa 4 na inirekomenda ng WHO, ang remdesivir na gamot para sa ebola virus na lang ang nananatili sa solidarity trial.
Una nang ipinatigil ang paggamit ng Hydroxychloroquine, Lopinavir- Ritonavir matapos makitaan na hindi rin nakakapgbbigay o nakatutulong sa pagbuti ng kondisyon ng mga pasyente.
Nguini’t may dalawa pang gamot na idinagdag ang who para sa Therapeutics solidarity trial . Isa rito ay ang Acalabrutinib na gamit para sa chemotherapeutic regimen ng mga pasyente.
“Official na iyong acalabrutinib, dumating na doses last monday, yung isa pa na sususbukan yung monoclonal antibodies. Isasama na sa who clinical trial” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire .
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Vaccine