METRO MANILA – Sinimulan na ng World Health Organization Emergency Committee ang deliberasyon kung mananatili pa rin ba ang Emergency of International Concern ang COVID-19 pandemic.
Ngunit ayon kay Doctor Maria Van Kerkhove, ang COVID-19 technical lead ng WHO, marami pa ang kailangan pagbasehan bago tuluyang alisin ang State of Emergency dahil sa COVID-19.
Ayon kay Doctor Van Kherkove posible pa ring magkaroon ng mga COVID-19 variant na mabilis na makahawa.
Nasa 30% din ng world population, lalo na sa mga low-income countries ang hindi pa bakunado.
Nanawagan naman ito sa mga lider ng bawat bansa na mas paigtingin pa ang pagresponde sa COVID-19 virus gaya ng surveillance at pagbabakuna.
Dapat din aniyang masolusyunan ang misinformation at disinformation sa publiko.
Tiniyak naman nito na patuloy ang WHO sa pag-aaral ng nasabing virus at sa pakikipag-ugnayan sa bawat bansa upang magkaroon ng mas makakabuting solusyon sa pandemya.
(Aileen Cerrudo | UNTV News)