METRO MANILA – Umabot na sa 60% o katumbas ng 5.93 million mula sa 9.8 million eligible population ang fully vaccinated na sa Metro Manila.
Ngunit ayon kay World Health Organization (WHO) Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe, hindi pa rin ito sapat upang magluwag na ng kasalukuyang quarantine restriction sa rehiyon.
“You may recraft the terminology but basically what we are advising is make sure that those restrictions are followed, that we don’t relax too much because we are not in a position where we can relax and experience further worsening of this transmission level because our health systems are just holding up” ani WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.
Nagpaalala ang WHO sa pamahalaan na maging maingat pa rin sa pagpapatupad ng akmang quarantine restrictions dahil umiiral ang mas mabagsik na Delta variant.
Ayon pa kay Dr Abeyasinghe kailangan maintindihan ng publiko na patuloy pa rin ang hawaan kahit na anong quarantine classification ang ipatupad sa bansa. Kaya dapat limitahan ang paggalaw ng mga tao.
Samantala, isang magandang balita naman para sa Pilipinas ang paparating na milyon- milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa Covax facility.
“We are looking at increasing vaccine allocations for the Philippine. Actually we have some good news this morning, Covax has allocated a further 10 million doses to come to the Philippines within the next few weeks we expect much larger consignments to come within this third and fourth quarters.” ani WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.
Ayon sa WHO official, kailangan mapalawak pa ang distribusyon ng bakuna upang maabot ang 20% ng target population ng bansa bago matapos ang taong 2021.
Sa kasalukuyan 17- M mula sa 110 million target population sa Pilipinas ang fully vaccinated na. Nagpaalala rin ang WHO sa pamahalaan na pabilisin at palawakin ang COVID-19 -vaccination sa A2 sector.
Batay sa September 13 data, 4.17 million senior citizens ang fully vaccinated na habang 3.47 million naman ang nakatanggap ng kanilang first dose.
“We have made progress but unfortunately the progress in the Philippines has been painfully slow. We still have nearly 3.6 million elderly people who have not received a single jab. This is unfortunate, it is unsatisfactory, it is also a reflection of the inequity that we are seeing globally.” ani WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.
(Aiko Miguel | UNTV News)